Tuesday, December 19, 2017

Isang 12 anyos na dalagita ang napagsamantalahan matapos magpaalam na magsisimbang gabi!



Viral ngayon ang post ng isang netizen na si Jaevelene B. Bendecido mula sa Basud, Malilipot, Albay dahil sa karumal-dumal na krimeng kanyang nasaksihan.




Ayon kay Jaevelene, isang 12-anyos dalagita ang nakitang nakahandusay sa likuran ng isang sementeryo, tulay papuntang simbahan kaninang 10:00 ng umaga.


Hinihinala at may posibilidad na napagsamantalahan o ni-r*pe ang dalagita dahil noong natagpuan siya ng mga tao, napansin ng mga ito na nakababa na ang kanyang suot na pang-ibaba.



Ayon pa sa isang post ng isang netizen, nagpaalam daw ang dalagitang ito sa kanyang magulang na magsisimbang gabi ito noong 3:30 ng madaling araw.






Sa kabutihang palad, buhay ang biktima at nagtamo ng sugat sa ulo at katawan. Kasalukuyang ginagamot sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang dalaga.










Loading...