Saturday, January 13, 2018

Isang lalaki, minanyak umano ng isang pasahero sa loob ng LRT


Marami sa mga Pinoy ang regular na sumasakay ng LRT o MRT papunta sakanilang trabaho at pauwi sakanilang tahanan. Kahit maraming issue ang tren, maraming sumasakay, siksikan, mas pinilipi pa rin ng marami sa atin ang sumakay dito dahil dito sila mas makakamura.

Hindi rin maiiwasan na magkadikit-dikit na ang mga pasahero sa sobrang sikip. Hindi rin maiiwasan na maraming mapagsamantalang tao sa loob ng tren.





Tulad na lamang ng nasaksihan ng isang netizen na ito. Sa Facebook profile ni McAdam Datucali Pundaodaya, habang siya'y pauwi, nasaksihan niya ang isang lalaking nagsisigaw at galit na galit sa isang pasahero dahil hinipuan umano ito ng hindi lamang isang beses, kundi tatlong beses sa loob ng LRT.



Makikita at maririnig sa video na ini-upload ni McAdam Datucali, na isang lalaking pasahero ang nagsisigaw at galit na galit sa loob ng LRT dahil hinipuan siya ng isa pang pasahero. 



Narito ang sinabi ng biktima sa video.

"Nakatatlong tanggal ako ng kamay mo! Kakaladkarin kita, t*ng*na mo ka!"

"Public transportation 'to wag niyong binababoy!"

"Ang tagal eh! Nung unang dalawa, t*ng*na ibinigay ko pa yung benefit of the doubt. Pangatlo, t*ng*na mo!" 

Ilang sandali pa ay dumating na sa Santolan Annapolis station at dito na kinaladkad palabas ang pasaherong nanghipo upang ipapulis ito.

Narito at panoorin ang video.





Narito ang ilan sa comment ng netizens tungkol sa video.





UPDATE:

Ang pasaherong nanghipo umano ay ishinare din ang videong ito upang ipagtanggol ang kanyang sarili at kung ano ang nangyari sa Police Station. Siya ay nagngangalang Ghed Ghed sa Facebook. Isang kaibigan at minsan na rin niyang nakatrabaho ang nagpost din sakanyang facebook account upang ipagtanggol ito. Narito ang mga screen shots ng kanilang pinost:



"SHARING THIS BECAUSE THE GUY ON THE VIRAL VID is MY COLLEAGUE. Katrabaho ko po si Ghed.

Ghed is a kind and a positive person. He always smiles  He is a married guy and his wife is pregnant. I pity Ghed for the foul comments of these judgmental people of the social media. Let's stop spreading the vid nalang. There are always two sides of every story. Here's his. Hope you share this too :)"




"Eto po ang ganap nyan sa MRT! Ako po ung unang una sa pila papasok ng train ng mrt. At dhil po nga po punuan ang MRT cubao, expect muna na siksikan at tulakan, at dhil tulakan pagdating ng next train automatic di muna po kailangan maglakad papasok kasi tutulak kana sa loob ng mga nsa likod mo. Ugali ko na pumunta sa kabilang pintuan ng mrt kasi pintuan palabas ng Shaw Blvd station ay sa kabilang dulo (sakto paglabas mo escalator na agad) at dahil nga pang gabi ako, syempre antok antok ako, di nako sensitive kung ano or sino makakatabi. There was this guy nga na biglang nag sisigaw out of the blue na may nannghipo daw sa kanya, I was very shocked na ako pala tinutukoy ng kumag na to! Nagulat tlga ko na panong nangyari na ako yun kasi ako ung una sa pila at etong lalaking to never ko pa nakita at hindi sya ung nasa likod ko before pumasok ng MRT. It was caught on CCTV sa cubao station. So ibig sabihin isang malaking singit si kuya. He dragged me out to next station which is Santolan. Sumama ako kasi maaga pa naman! Turuan ntin ng leksyon sabi ko sarili ko. Pagdating nmin sa police station, sya muna nag kwento, kasi di ko nga alam nangyari at bakit sya nagsisigaw. Ahhahaha  at yun na nga daw pagpasok nya may nanghipo daw sa kanya na tatlong bebes. Na shocked tlga ko na kung bakit ako? Pano nangyari? At take note kung gano sya ka wild sa pagsigaw sa video eh sya namang ubod na ng amo habang nagkwekwento! Kapal ng mukha samantala wala akong kaalam alam na ako pla gumawa sa kanya. Ang ending wala nangyari sa police station, iyak lang si kuya. I’m sorry but bullshit tlga sya! Pag alis namin pinauna ko na sya, nag usap muna kmi ng police at sabi ni kuyang police modus daw to. May nagri-report na din sa knila ng ganito ung iba nga daw aabangan sa babaang station tas pag ti-tripan at ung iba daw hihingin ng pera! Kapal ng mukha! God bless sayo kuya! Ang galing mo naging VIRAL ako ng walang kaalam alam!"



Loading...