Wednesday, February 7, 2018

Mark Bautista, inamin ang 'intimate relationship' sa kaibigang lalaki sa kaniyang libro

Sa librong Beyond The Mark ay isisiwalat ng singer na si Mark Bautista ang isang bahagi ng kanyang buhay na matagal niyang itinago sa publiko.


Ilang araw mula ngayon ay maari ng bilin sa bookstores ang libro ng singer-actor na si Mark Bautista, ang Beyond The Mark.

Ngunit bago pa man matapos ang taong 2017 ay usap-usapan na sa showbiz circles ang nilalaman ng libro na si Mark mismo ang nagsulat.




Sa librong ito raw isisiwalat ng 34-year-old performer ang isang bahagi ng kanyang buhay na matagal niyang itinago sa publiko.

Ngayong Martes, February 6, nakatanggap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng screen grab ng ilang pahina mula sa libro ni Mark.

Bahagi ito ng chapter na may titulong “FRIENDSHIFT.


Sa mga pahinang ito nakasulat ang naging ugnayan nila ng isang matalik na kaibigan.

Tinawag na “bromance” ni Mark ang closeness nila ng “guy friend” na ito.

Ngunit sa dalawang pagkakataon daw ay bumigay sila sa temptasyon at naging “intimate” sa isa’t isa.

Pagkatapos ng pangalawang pagkakataon ay nangako raw sila sa isa’t isang hindi na nila ito uulitin.




At nagawa naman nilang iwasang maulit ito nang ilang taon.

Hanggang sa malasing sila isang gabi.

ONE DRUNKEN NIGHT. Noong panahong iyon ay may girlfriend daw ang kaibigan ni Mark, at pare-pareho silang um-attend ng party sa isang club.

Halos buong gabi raw ay iniwasan ni Mark at ng kanyang kaibigan ang isa’t isa.

Hanggang sa umuwi na ang kapatid at girlfriend ng kanyang kaibigan.

Naiwan daw silang dalawa at nalasing pareho.


Kuwento ni Mark, “We then got so drunk that I ended up going home with him.

“I spent the night in his house and we became intimate.”

Kinabukasan daw ay nalaman ng girlfriend ng kaibigan niya ang nangyari sa kanila.

Mismong ang kaibigan daw ni Mark ang umamin sa girlfriend nito dahil sa pagkabigla.

Ayon pa kay Mark, “This started a huge drama between the three of us. It became a spectacle.”

Bagamat wala naman daw silang ginawang “anything extreme,” gumawa na raw ng kanya-kanyang kuwento ang mga tao at agad silang hinusgahan.




Mabilis din daw kumalat ang tsismis na ito.

Pero sabi ni Mark, “I kept my silence and allowed myself to be hurt by all the rumors.”

Hindi raw maipagtanggol ni Mark ang sarili dahil baka mas lalong lumala ang sitwasyon.

Ginawa rin daw niya iyon para protektahan ang kaibigan.

Wala rin daw siyang sinabi sa kanilang pinakamalalapit na kaibigan.

Dahil sa sitwasyong iyon ay bigla raw nag-iba ang relasyon ni Mark at ng kaibigan, at maging sa mga iba pa nilang mga kaibigan.

Narito ang ilan sa mga comment ng netizens tungkol dito.


Donna Fava: Nagladlad na si ate mo mark... dont worry dati pa naman halatang halata na sa galawan mo kahit di mo aminin... wait eric name nyang close friend mo noh? Charot! Hahahahahaha




Stephen Roy Ong Chua Rojas: And some people find this something to belittle. I find Mark courageous to be authentic and true.



Los Felix Abugan Si piolo pascual yata ito.. ito ung naaktohan sila ni kc sa kama na kumalat dati.. 




Winnier Neilson: at dahil sa intimate relationship na iyon,, tinapos ng ABS ang kanyang contract dahil distracted si Fafa Fi na kanilang prized possession !



May Damias Nakakatawa ung ibang comments. Some people may find it is a nonsense issue but for some it isn't. Such a brave man Mark. 




Source: PEP


Loading...