Monday, March 12, 2018

Mister Pinagpira-Piraso Ang Kanyang Sariling Misis!



Pinatay ng isang lalaki na umano'y nagsawa na sa pagiging "under de saya" ang kaniyang asawa nitong Linggo ng gabi sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Karumal-dumal ang sinapit ng biktima na si Heidi Estrera, 46-anyos, matapos pagputol-putolin at talupan ang kanyang katawan ng mister at suspek na si Orlando Estrera, 43-anyos.

Nakita ng ilang bata karumal dumal na mga putol na parte ng katawan ng biktima sa labas ng kanilang bahay. At kagad na nagsumbong ang mga bata sa mga nakakatanda.




Ayon sa barangay, binantayan nila at ng mga residente ang bahay matapos nilang makita na nililinis ng suspek ang mga bakas ng dugo.

Sumuko naman umano ang suspek sa Quezon City Police District.

Batay sa salaysay ng suspek, iginigiit ng kanyang misis na mayroon silang anak, bagamat hindi ito maaaring magbuntis dahil sa komplikasyon nito sa matres.

Dahilan para pagsasaksakin at buksan ang katawan ng misis para umano makita kung nagdadalang-tao ito.





Sabi pa ng suspek, labis na kimkim na galit sa loob ng 16 na taon ang nag-udyok sa kaniya na gawin ang karumal-dumal na krimen sa sa kaniyang asawa.


Sinasabihan daw siya ng biktima na wala siyang silbi.

"Simula po talaga nu'ng panahon na nagsama kami hanggang sa panahon na 'to. Para kasi akong, 'yung, ina-under de saya, tapos parang aso na lang. Parang boryong na boryong ako sa sarili ko,"  depensa ng lalaki, na walang pagsisisi sa pagpatay ng kanyang asawa.

Bukod dito, madalas din umano siyang pag-initan ng kanyang asawa at ng pamilya nito.

Aminado naman si Estrera na gumagamit siya noon ng iligal na droga at inaalam na ngayon ng pulisya kung gumamit muli ito bago gawin ang krimen.

Sabi ni QCPD Chief Senior Superintendent Guillermo Eleazar, isasailalim sa drug test at psychiatric test ang suspek

Sa ngayon ay pinag-aaralan ng pulisya ang pagsasampa ng kasong parricide sa suspek.

Narito at panoorin ang kanyang interview.




Narito din ang ilang reaction ng netizen tungkol sa krimeng ito.







Loading...